filipino

Hangga’t hindi pa ako nagsasawa sa’yo

Posted on Updated on

Nagsawa na akong lumapit

Lumapit na para lang sa huli ay layuan mo lang din

Nagsawa na akong magpapansin

Magpapansin na kahit magmukhang tanga ay itutuloy pa din

Nagsawa na akong mangarap

Mangarap na maging akin rin ang taong pinapangarap ko

Nagsawa na akong mag-isip

Mag-isip na ang mga bagay na ginagawa mo sa akin ay dahil pareho tayo ng nararamdaman

Nagsawa na akong maghintay

Maghintay na maramdaman mo kung ano ang nararamdaman ko sa’yo

Nagsawa na akong umasa

Umasa na balang araw mamahalin mo rin ako gaya ng pagmamahal ko sa’yo

Nagsawa na akong mapagod at mamahinga na para lang sa huli ay itutuloy uilt ang pag-ibig na para lang sa’yo

Sana dumating ang araw, magsawa na rin akong mahalin ka

Kasi ang hirap-hirap na

Sana dumating ang araw, magsawa na rin ako sa’yo

Kasi ang sakit-sakit na

Oh kaya sana, dumating ang araw na mahalin mo rin ako

Hangga’t hindi pa ako nagsasawang mahalin ka

Hangga’t hindi pa huli ang lahat

Hangga’t andito pa din ako – lumalapit, nagpapapansin, nangangarap, nag-iisip, naghihintay, umaasa, napapagod, namamahinga, at nagmamahal sa’yo

Hangga’t hindi pa ako nagsasawa sa’yo.

Artsy 1o1.png